Alvin's posts with tag: bus

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag bus
Blog EntryLintek na Jayross yan...Jan 17, '08 8:32 AM
for everyone
Effective yesterday, pinatupad ng pamunuan ng Jayross Lucky Seven Tours ang pagtataas ng kanilang singil sa pasahe; nagtakda na umano silang bagong taripa na dapat daw ay noon pang nakaraang taon ipinatupad.

Kahapon, sumakay ako sa isang Jayross bus. Nagkataong trapik kahapon dahil sa isang nakaharang na jeep; apparently, nabangga ito sa isang kasalubong na bus (o trak), at nagkandayupi-yupi ito. Dahilan para bumaba ako ng bus at maglakad nang konti para makausad sa trapik.

Then nang makalampas sa crash site, sumakay ako sa isa pang Jayross bus. When I took my seat sa dulo ng bus, siningil agad ako ng konduktor. I said, "Philcoa boss, estudyante," as I give him P20 for the fare. Sabi niya, P27 pesos na raw ang papunta dun.

BUT WHY?
For starters, ang laki naman ng itinaas ng bayad ko, not to mention na nabawasan na dapat yun dahil hindi nako sa amin sumakay. Hindi na ako nakipagtalo, because I'm in a rush to go to school dahil sa isang exam na pwede naman palang kunin ng tanghali.

Then earlier today. Hindi Jayross bus ang nasakyan ko, pero nung singilin nako ng konduktor, ayun na! But this time, P30 ang hinihingi niyang bayad sakin.

Kaya sabi ko:

"LECHE! ANO'NG KAGAGUHAN 'TO? IHINTO NYO, BABABA AKO!"

And so I went out of that damn aircon bus and looked for an open-window cheap-ass bus, that collected the fair amount I use to pay everyday.

What is this for anyway? Basta, ipinapaalam ko lang sa inyo na hindi ko gusto ang nangyaring ito sa Jayross. Maihahalintulad ito sa biglaang pagpapatupad ng TOFI sa UP. Ngunit mas malaking kaso ito para sakin, dahil isa akong commuter, and most of the time, the bus is the mode of transportation I ride on, at hindi ako apektado ng TOFI (so far).

It's not that I need to inform you about this, but from this day forward, to hell with aircon buses with pirated DVD videos on board.

BINOBOYKOT KO NA ANG JAYROSS!

I suggest you do the same, if you are saving money.

© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help